Friday, February 19, 2016

HINDI KA NAMAN NAWALA




Kaibigan,
Ako ay iyong nilisan na
Naalala ko pa iyong isang araw na
Hinatid mo ako pauwi
Habang nagku-kwento ka tungkol sa pag-ibig mong sawi
Nagsalita ka nang nagsalita
Nakinig lang ako
Pero hindi ko napakinggan kung ano talaga ang ibig sabihin mo
Sana'y nakinig pa ako nang mas maigi
Sana'y tinignan kita sa mata habang nagsasalita ka
Para mas naintidihan kita
Hindi ko lubos mawari na hindi na ulit kita masisilayan
Hindi ko lubos maisip na hindi na kita makakausap pang muli
Naririnig ko pa rin ang boses mo
Dama ko pa rin ang haplos mo
Malinaw pa sa utak ko ang ngiti mo
Hindi ko maiwasang maluha
Tuwing naririnig ko ang paborito mong kanta
Nangingiti ako tuwing nakikita ko ang paborito mong inumin
Natatawa ako tuwing nababasa ko ang mga pag-uusap natin
Pero hindi na katulad ng dati
Naririnig ko ang boses mo pero may kirot
Nadarama ko ang haplos mo pero may lungkot
Malinaw pa sa utak ko ang ngiti mo pero masakit
Hindi ka naman nawala
Kasi nandito ka pa
Nandito ka pa sa isip at puso ko
Ihatid mo ako ulit
Samahan mo ulit akong maglakad
Kuwentuhan mo ako ulit
Pangako, ako'y makikinig
Hanggang sa muli.