Sunday, August 23, 2015

HOY, TAMAD. PARA SA'YO 'TO.


Bawal kang maging tamad. 
Hindi ka pwedeng tamarin. 
Hindi ka naman pagod e. 
Nag-aral ka lang naman. 
Umattend ka lang naman ng mga meetings. 
Nag-thesis ka lang naman. 
Kasi tamad ka. 
Tamad kang gawing proud ang mga magulang mo sa'yo kasi hello, lagi ka lang namang nasa school para sa events. 
Tamad kang magpursigi sa pag-aaral kasi tatlong kape lang naman ang nainom mo para manatiling dilat hanggang alas-singko ng umaga para matapos lahat. 
Kaya hindi ka pagod, tamad ka. At ang tamad, hindi napapagod. Kasi nga tamad, ano ba. 
Para sa'yo, para sa akin, na laging nasasabihang tamad, huwag kang mag-alala. 
Katawan lang natin ang tamad. 
Pero ni kailanman, hindi sila magkakaroon ng ideya kung gaano ka-sipag 
ang puso't isip natin na intindihin at mahalin sila. Diba ma?

Saturday, August 15, 2015

KUNG HINDI NA, AKO PA RIN BA?


Minsan, naiisip ko, paano kung hindi na ako
Paano kung hindi ko na kaya
Paano kung hindi ko na gusto

Kung hindi na kita pwedeng isama sa mga lakad ko
Kung hindi na kita kayang ilibre sa Starbucks
Kung hindi na kita gustong dalhin sa Maginhawa
Ako pa rin ba?

Kung hindi na kita kayang pakainin ng pizza sa S&R
Kung hindi na kita kayang bilhan ng G-TEC 
Kung hindi na kita kayang bitbitin sa simbahan
Ako pa rin ba?

Ako pa rin ba ang pipiliin mo?
Ako pa rin ba ang mananaig?
Ako pa rin ba ang matitira?

Kung hindi na ako lahat ng ako ngayon
Ako pa rin ba ang pipiliin mo na makasama maghapon?

Isipin mo ako at ako lang
Hindi kasama ang pera, pag-aari at luho
Isipin mo ako at ang pagmamahal ko
Ako at ang mga kalokohan natin
Ako at ang mga pinagsamahan natin
Ako at ang mga pinag-awayan natin

Kung ito na lamang ang matitira
Ako pa rin ba?

Thursday, August 13, 2015

I-GOOGLE MO


Hindi naman ako matalino
Pero bakit ako lagi ang takbuhan
Kapag may assignment na kailangang tapusin?
Kapag may project na kailangang gawin?
Bakit ako?

Tulad mo

Ngayon, heto ka
Pagkatapos mo akong saktan at iwan sa loob ng apat na linggo nating pagsasama
Nag-messgae ka sa FB
Nag-self pity ka pa
Nag-reply naman ako
Naawa ako e
Wala kang kausap
Maya-maya, nakuha mo ang loob ko
Nakuha mo na naman

Tapos ka na sa self-pity

Na-segue mo na gumagawa ka ng comparative analysis sa Phil. Lit. subject mo
Ako, gumagawa ng thesis
Maya-maya, pinapa-search mo na sa akin kung ano ang pangalan ng Donya
Sa isang kwentong nabasa mo

Hindi ako nag-reply

Akala mo tulog na ako?
Hindi, gising ako
Gising na gising na sa katotohanan
Sa katotohanan na hanggang sa huli
Gagamitin at gagamitin mo lang din ako

Kota ka na sa akin kasi ako rin gumawa ng pledge mo para sa Filipino subject mo

Mukha mo, pero hindi ko hahanapin yang donyang yan
Manigas ka sa kakahanap kung sino siya

Hindi ko gagawin yan

Hindi na
Hindi na ako magpapagamit sa paraang ako lang ang dehado
Hindi na
Hindi na ako magpapa-uto sa mga paawa mo
Hindi na
Hindi ko na pipiliting kumalma pag kausap ka
Dahil mukha mo, hindi na kita kakausapin ulit
Hindi na

I-Google mo kung gaano ka kabastos

Kung gaano ka ka-selfish
Kung gaano ka ka-user friendly
Kung gaano ka ka-plastic
Kung gaano ka ka-bitter sa buhay
Kung gaano kasakit ang iwan
Kung gaano kasakit ang sukuan

Hindi naman talaga ako matalino e

Pero kaya siguro ako ang laging takbuhan
Kapag may assignment o project kasi ako lagi ang dapat na magtapos
Magtapos ng kwento - ng kwento nating dalawa
Kaya tapos na
Wala na
Hindi na

Pero dahil huli na 'to

Sige, magpapakabait na ako
Ako na ang nag-Google para sa'yo
Ng mga kailangan mo, mukha mo
A. Donya Julia
B. Matapobre: n. ref. to wealthy people who look down on, or oppress the poor (http://tagalog.pinoydictionary.com/search/matapobre/)


Wednesday, August 5, 2015

I MISS YOU


Nag-text ka sa akin kagabi, ang sabi mo "I miss you"
E bakit, sino ba ang nang-iwan?
Sino ba ang umalis?
Sino ba ang sumuko?
Sino ba ang nagsabing "huwag na muna"?

Huwag mong sasabihing "I miss you"
Kasi ikaw ang umalis
Ikaw ang sumuko
Ikaw ang nagsabing "huwag na muna"

Kapag ikaw ang nang-iwan
Kapag ikaw ang umalis
Kapag ikaw ang sumuko
Huwag ka nang bumalik
Huwag ka nang magbait-baitan

Ikaw ang umalis
Ikaw ang sumuko
Ikaw ang nang-iwan
Ikaw ang nagsabing "huwag na muna"
Ikaw ang nakasakit

Kaya huwag, huwag mong sasabihing "I miss you"
Kasi ikaw ang umalis
Ikaw ang sumuko
Ikaw ang nagsabing "huwag na muna"

Sunday, August 2, 2015

SIGE


'Sige', isang salita, libu-libong pakiramdam
Ang sarap pakinggan sa tainga
Dahil sige ang salita ng pagpayag
Sige ang salita para sa pwede

Kain tayo sa labas! "Sige!"
Inom tayo! "Sige!"
Punta tayo sa Japan! "Sige!"
Nood tayo ng sine! "Sige"

Sige, sige, sige
Pero alam mo, masakit din pala
Ang sakit makarinig nun minsan
Pero mas masakit bitawan ito

Noong sinabi ko sa'yong "sige"
Nasaktan ako, ang sakit pala
Sige kasi pumapayag na ako
Pumapayag na ako na umalis ka

Sige kasi pumapayag na ako na saktan mo ako
Sige kasi matatanggap ko naman 
Sige kasi yun ang gusto mo
Sige kasi ayaw na kitang pigilan

Sige rin ba ang gusto mong marinig?
Sige rin ba ang hinihintay mo?
Sige, sasabihin ko ulit
"Sige, makakaalis ka na."