Thursday, August 13, 2015

I-GOOGLE MO


Hindi naman ako matalino
Pero bakit ako lagi ang takbuhan
Kapag may assignment na kailangang tapusin?
Kapag may project na kailangang gawin?
Bakit ako?

Tulad mo

Ngayon, heto ka
Pagkatapos mo akong saktan at iwan sa loob ng apat na linggo nating pagsasama
Nag-messgae ka sa FB
Nag-self pity ka pa
Nag-reply naman ako
Naawa ako e
Wala kang kausap
Maya-maya, nakuha mo ang loob ko
Nakuha mo na naman

Tapos ka na sa self-pity

Na-segue mo na gumagawa ka ng comparative analysis sa Phil. Lit. subject mo
Ako, gumagawa ng thesis
Maya-maya, pinapa-search mo na sa akin kung ano ang pangalan ng Donya
Sa isang kwentong nabasa mo

Hindi ako nag-reply

Akala mo tulog na ako?
Hindi, gising ako
Gising na gising na sa katotohanan
Sa katotohanan na hanggang sa huli
Gagamitin at gagamitin mo lang din ako

Kota ka na sa akin kasi ako rin gumawa ng pledge mo para sa Filipino subject mo

Mukha mo, pero hindi ko hahanapin yang donyang yan
Manigas ka sa kakahanap kung sino siya

Hindi ko gagawin yan

Hindi na
Hindi na ako magpapagamit sa paraang ako lang ang dehado
Hindi na
Hindi na ako magpapa-uto sa mga paawa mo
Hindi na
Hindi ko na pipiliting kumalma pag kausap ka
Dahil mukha mo, hindi na kita kakausapin ulit
Hindi na

I-Google mo kung gaano ka kabastos

Kung gaano ka ka-selfish
Kung gaano ka ka-user friendly
Kung gaano ka ka-plastic
Kung gaano ka ka-bitter sa buhay
Kung gaano kasakit ang iwan
Kung gaano kasakit ang sukuan

Hindi naman talaga ako matalino e

Pero kaya siguro ako ang laging takbuhan
Kapag may assignment o project kasi ako lagi ang dapat na magtapos
Magtapos ng kwento - ng kwento nating dalawa
Kaya tapos na
Wala na
Hindi na

Pero dahil huli na 'to

Sige, magpapakabait na ako
Ako na ang nag-Google para sa'yo
Ng mga kailangan mo, mukha mo
A. Donya Julia
B. Matapobre: n. ref. to wealthy people who look down on, or oppress the poor (http://tagalog.pinoydictionary.com/search/matapobre/)


No comments:

Post a Comment