Thursday, November 12, 2015

PARA SA TAONG "HEART OVER HEAD" ANG LAGING MANTRA


Dear Katawan ng Taong Ito,

K A T A N G A H A N. Isang malaking katangahan. Isang malaking katangahan 'yan. Kung laging iiral yang nararamdaman mo, sana naging puso ka na lang. Para tibok ka na lang nang tibok. Kasi, puro feelings lang diba? Hindi sa lahat ng pagkakataon, puso ang tama. Hindi rin naman sa lahat ng pagakakataon, tama ang utak. Pero ang point ko kasi dito, hindi mo hahayaang pumangibabaw ang isa sa isa. Ipantay mo. Kapag ginagamit mo ang puso mo, isabay mo ang utak mo. Ganito ang magiging conversation nila:

PUSO: Crush ko siya!
UTAK: Bakit? Kasi pogi, matalino, mabait?
PUSO: Basta, crush ko siya!
UTAK: Kasi nga ano? Kahit isang rason lang! Ano?
TIYAN: Nak ng! Gutom lang 'yan, mga landiterang to!

Di naman talaga dapat kasama yung tiyan, sorry na. Pero diba, kapag may naramdaman ka, isipin mo naman kung bakit. Hindi yung arangkada na agad. Bakit mo nararamdaman? Tama bang nararamdaman mo yan? Mapapanindigan mo ba? Si puso kasi magaling yan sa pakiramdaman. Pwede yang magparamdam sa'yo ng libu-libong kalokohan para umasa kang mahal ka pa rin niya. Pero sa libu-libong yun, isa lang, isa lang ang mali. Kasi lahat, lahat yun tama. Oo, tamang hinala. Hindi, joke lang. Half ng ipaparamdam sa'yo, for sure, tama, half, mali. Si utak naman, maraming ibibigay na assumptions 'yan. Ipapa-isip niya sa'yo lahat ng posibilidad. Pwede pa kayo, kaya mo pa, hindi ka pa pagod, gutom ka lang, blah blah blah blah. Ngayon, kung isa lang diyan ang susundin mo, mabobobo ka. Matatanga ka. Ganun ka ba? Hindi diba. Kaya ikaw, bilang may-ari ng katawang 'yan, ay may karapatan na pag-usapin at kontrolin ang dalawang nag-aaway na kampo. Bigyan mo ng panahong marinig ang panig ni puso at ni utak pero wag mo namang hahayaan na sa huli, isa lang ang susundin mo. Pagsamahin mo ang opinyon ni utak at ni puso. For sure, meron diyang magko-compliment with each other. Pag nakuha mo na ang perfect match, yun na. Tsaka ka gumawa ng aksyon.

Ito ang tatandaan mo, kapag puso lang ang umiral, walang logic dun. Para ka lang sumunod sa ihip ng hangin kahit di mo naman talaga nakikkita kung saan siya papunta. Kapag utak lang ang nanalo, walang feelings yun. Para ka lang Rebisco na walang filling, hindi masarap, walang flavor, walang feelings. Kaya kailangan mo silang dalawa. Kailangan mo ang utak mo para sa logic at ang puso mo para sa feelings.  At kapag nangyari yun, congrats! Meron ka nang logical feeling.

Nagmamahal,
Bituka (ang laging malayo sa sugat)

No comments:

Post a Comment