Saturday, January 30, 2016

AKO NA ANG NAGSASABI



Hindi mo ako mahal
Baka napapasaya lang kita
Kasi puwede mo akong kausapin
Sa lahat ng bagay 
Tulad ng tama ba ang corporal punishment o hindi?
Sirena ba talaga yung nakita ng mga scientists o joke lang?
Hanggang sa, anong latest music ng banda na 'to
Tapos na-alala ko nga, napunta pa tayo sa usapang UFO at Conspiracy Theory
Nagsasalungat tayo ng mga ideya pero masarap ka pa ring kapalitan ng ideya
Sabi nila, "opposites attract" daw 
Pero baka hanggang attraction lang
Hindi naman lahat ng attraction nagtatagal, diba?
Kaya hindi mo ako mahal
Baka ako lang yung nagkakataon na online 'pag online ka rin
Tapos sakto na-seen ko yung message mo
Tapos ayun, doon na nagsisimula
Stickers, cheesy lines, links sa mga paborito mong kanta at kung anu-ano pa
Nakakakilig, nakakatawa, nakakainis
Pero hindi mo ako mahal
Baka masaya ka lang na may kalandian ka
Ako kasi 'yung tipo ng tao na isang text mo lang, reply agad
'Yung tipo ng tao na kukulitin ka kapag 'di ka na nagre-reply
'Yung tipo ng tao na kapag sinabihan mong "nalulungkot ako. I wanna die."
To the rescue ako para masiguradong okay ka lang
'Yung tipo ng tao na napa-paranoid kapag active ka 1 min. ago tapos 'di ka nag-chat sa akin
'Yung tipo ng tao na iniisip kung magagalit ka ba kapag may sinabi ako
Pero hindi mo ako mahal
Baka ako lang 'yung taong kayang saluhin lahat ng latak sa pagkatao mo
Kapag nagtatampo ka dahil nag-send ako ng jejemon text sa iyo
Kapag naiinis ka dahil nababa ko 'yung tawag mo
Kapag hindi ka mamamansin kasi hindi ako kumain sa tamang oras
Kapag naiinis ka sa pamangkin mo
Kapag nagagalit ka sa nanay mo
Kapag natatawa ka sa mga bagay na seryoso na halos ikamatay ko na kasi ang cool para sa'yo
Pero hindi mo ako mahal
Baka concerned ka lang
Pwede ka naman kasing maging concerned without romantic feelings attached, diba?
Kaya hindi mo ako mahal
Baka na-miss mo lang magkaroon ng girlfriend
Nagkataon, single ako at walang iniintindi
In short, available ako 
Available  na available
Pero hindi mo ako mahal
Ako na mismo ang nagsasabi
Hindi mo ako mahal
Pero baka mahal mo ako
Pero paano kung hindi?
Paano kung oo?
Bakit hindi? Bakit oo?
Mahal mo ba ako?
Mahal mo?
Mahal lang?
Ano ba ang mahal para sa'yo?
Ano ba ang pag-ibig para sa'yo?
Ano ba ako sa'yo?
Ano ba tayo?
May tayo ba?
Baka hindi mo nga talaga ako mahal
Baka nalilito ka lang
Baka importante lang ako
Pero hindi mahal
Hindi mo mahal
Hindi.

No comments:

Post a Comment